May kandidato na ako. Pero hindi ko muna sasabihin. May ilan lang akong gustong sabihin. Baka trip mong malaman.
MENSAHE PARA SA MGA MAMAYANG PILIPINO
1. Walang pangulong kayang magpayaman sayo. Hindi ka magigising isang araw at aabutan ka niya ng limang milyong piso para mabago ang buhay mo. Kung may taong yumaman mula sa hirap yun ay dahil nagpakasipag siya at nagbanat ng buto at ang tinutukoy ko ay ang mga taong sa malinis na paraan umahon sa buhay. Ang mga magnanakaw wala nang kaluluwa yun. Wag mo ring isisi sa namumuno ang kahirapan mo. ikaw ang humhubog ng kinabukasan mo. Kung kuntento ka sa pagiging ganyan, wag kang mangarap ng mataas. Walang umangat sa tuktok ng nangarap ng mumunti. Ang asenso ay na sa'yo. Wala sa pangulong iboboto. Ang kaya lang niyang bigay sayo ay pagkakaton para naguhin ang buhay mo.
2. Wag kang mawalan ng pag-asa. Pasasan pa't maluluklok din ang tamang pinuno na gagawa ng makasaysayang pagbabago. Hindi ako manghuhula, pero nararamdaman kong malapit na siyang dumating, yun eh kung iboboto mo ang iboboto ko. Hehehe. Joke lang.
3. Pagisipan mo ang paglagay ng shade sa pangalan ng kandidato mo. Kumain ka muna bago ka bumoto, baka akalain mong itlog ang nakikita mo at imbes na markahan mo ang papel eh akalain mong itlog yun at kainin mo. Pero seryoso, pagtuunan mo ng pansin ang boto mo. isang beses lang sa anim na taon ka pipili ng Pangulo, kumpara sa araw-araw na pag-iisip mo sa mga problema. Give yourself a break. Maniwala ka, ito bagay na pag napagisipan mong mabuti ay maaaring magbago ng buhay at kinabukasan mo.
4. Wag kang magpapabayad. Pag nagpabayad ka sa mga kandidato para iboto mo sila, daig mo pa ang puta. Atlis ang puta nabyaran na, nasarapan pa. Ikaw, nabayaran nga, ilang taon namang paghihirap ang kapalit.
5. Maging inspirasyon ka. Wag kang mambarag ng tao. Hayaan mo sila kung sino iboboto nila. Pero pag tinanong ka kung sino ang kandidato mo, ipaliwanag mo kung bakit siya ang napili mo. Hindi lang dahil nagunguna siya sa survey, o dahil mukha siyang mabait o dahil crush mo siya kung hindi dahil ang pananaw niya ay parehi ng pananaw mo paramabago ang buhay mo.
6. Wag kang matakot sa AUTOMATED ELECTION. Pareho lang yan ng paggamit isang bagong appliance. May manual yan. Manuod ka lang sa tv at pinpakita naman dun. Ako rin takot, pero mababawasan nito ang pandadaya dahil madaling mabibilang ang mga boto at mababawasan ang mga araw ng bilangan kung san madalas mangyari ang dayaan. Kaya natin ito.
7. Magdasal. Hindi ako madasaling tao. Pero pag nagdasal ako totoo. Kung madalas ka ng magdasal, subukan mong iklian ang dasal mo. Sabi nga ng religion teacher ko ng high-school, shortest prayer are the ones that knocks the hardest in prayer. Magdasal kang magng maayos ang halalan. Na sana walang mapahamak. Na lahat makaboto.
PARA SA MGA PINUNONG MANANALO
1. MY EYES WOULD BE ON YOU. Hindi kita tatantanan. Ano man ang pinangako mo, aabanagan ko. Pero kung ang kandidato ko ang mananalo malamang matutupad lahat ng pinangako niya. Eheheh.
2. Hindi kita papayuhang wag magnakaw. Dahil alam kong bibigay ka rin. Sa bilyong-bilyong piso hahawakan mo, hindi mapapansin kung kukuha ka ng limang milyong piso. kumupit ka na lang ng isang libo isang araw. Malaki na rin sa loob ng anim na taon. Eheheh. Pero sa totoo lang nakakainsulto ang ginagawang pagnanakaw ng mga hayo na yan. ilang libo ang binabayran ko sa buwis, kung tutuusin kabilang sa mga ninanakaw nila ang binabawas sa sahod ko. Masakit sa loob na nagbabanat ako ng buto para palamunin ang mga gagong magnanakaw na yan. Minimize it.
3. Payong ekonomista lang, wag mong paliitin ang populasyon ng mga mahihirap. Sa halip palakihin mo ang populasyon mo ng mga middle class. Kung naiintindihan mo ang sitwasyon ng Pilipinas alam mo ang ibig kong sabihin at alam kong alam mo, na sa perspektibong ito mangyayari ang pagahon.
4. Sana magsleep-over ka minsan sa amin. Gusto ko lang kitang makilala bilang tao. Eheheh. Tapos dala ka ng pasalubong. Yung tipong bonggang arrival. O kaya bibigyan kita ng slam book kung san nkalakip ang mga tanong ko para sayo.
5. Go back to the basics. Modern na tayo. But it pays so much to look at the leadership of the leaders na lumikha ng makasaysayang pagbabago. Matututo ka sa kanila. Ako ngang ordinaryong tao, nakapulot ng aral sa kanila, ano pang ikaw na pinili ng taong bayan na mamuno.
6. Kung pacutan ang labanan sa halalan, tatakbo ako at ako ang mananalo.
7. Ang pangarap ko sa Bansang Pilipinas ay maging isang maharlikang bansa na may mayabong na ekonomiya. Hindi naman kailangang tingalain pero kayang tugunan ang pangangailangan ng taong nananahan sa bansa. Hindi ko rin hangad na lahat ng tao ay magka-kotse pero masarap tignan na ang majority ng populasyon ay may disenteng trabahong bumubuhay sa kanila. Lahat ng bata ay nakakapag-aaral at natututo, ang mga tao ay maaliwalas ang mga mukha. Ang mga magsasaka ay sapat na ani, mayabong na kultura, at higit sa lahat, sumusunod sa pinuno. Pressure ba? Wag kang mapressure. May anim na taon ka. Hindi madali. Alam ko yun. Pero masimulan mo lang, maniwala ka, magsisilbi kang inspirasyon at may kagaya mong susunod sa yapak mo.
8. At higit sa lahat, pwede mo ba akong ampunin? Please? Ehehehe
Mahalaga ang boto mo. Mas mahalaga pa sa sweldo mo sa a-kinse. Linisin mo muna nag iyong kunsensiya at pagtuunan ng pansin ang halalan. Minsan lang to. Please.

No comments:
Post a Comment