Sunday, March 28, 2010

PAROPARONG BUKID... NA LILIPAD LIPAD


Isang article lang. Isa lang. And then I'm in.

Isang email ang bumulaga sa akin nung karaang araw. I got an interview for a writer. Interview went well. Binigyan ako ng unang assignment. Isang article. Isang topic. Maximum of 500 words. Pag okay pasok, pag hindi ligwak. Kinakabahan ako. Ramdam ko ang patak ng bawat minuto. Malapoit na ang deadline ko. Shet.

Ilang araw na rin akong tulala. ilang beses ko na ring binuksan ang notepad sa computer pero hanggang dun lang talaga. Hindi ko mbuo ang isang sentence para simulan ang article ko. Masyado akong maraming naiisip. Masyading maraming ideya. Pro pag sunusulat ko na, hindinagtutugma sa gusto kong sabihin. Mali. Ulit uli. hanggang antukin at ipagpabukas na ang gagawin. tatlong araw na rin ang lumipas pero ni tuldok hindi ko alam kung san ilalgay.

Aminado akong kinakabahan ako. Ito ang unang pagkakataong susubok ako sa isang trabahong gusto ko talaga. ganito pala ang pakiramdam pag sinusunod mo ang passion mo. Nakakaba talaga. bawat oras alam mo ang patak. Shet talaga. Anghirap. Hindi ako makapagisip ng maayos. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang unang talata. Ayoko ng komplikado. Simple lang dapat at may punto. pero 500 na salita lang dapat. Pano to?

Itutuloy.... 


PNOIA


Thursday, March 25, 2010

I HATE THEM



1. Marinel Pineda of Metrobank. ( Ilang beses na ako nadebit at ikaw at ikaw pa rin ang nagaassist sa akin at binubuwisit mo ko)


2. Karen Massaro ( Nirefund niya ang Value Bundle. I hate you! Sabugan ka sana ng computer mo sa mukha!)

3. Miss na nakatabi ko sa jeep. ( Upong siyete lang miss, hindi sayo ang jeep)

4. Mamang driver ng CHER bus ( sa pagmamaneho mo, natapon ang ketchup sa polo ko at softdrinks sa pantalon ko, buti na lang pauwi na ako)

5. Mamang traffic enforcer ( Kaya nga pedestrian lane ang tawag kasi tawiran ng mga taong gustong tumawid! Tanga!)

6. Mamang pedicab driver ( Wag kang mamasada kung wala kang barya.)


PNOIA

Wednesday, March 24, 2010

I AM Sick

Today at 3:55 in the morning, I diagnose myself with an illness. A Psychological illness.

Ang dali kong magsawa. Nagising ako ng ala una ng madaling araw para lang uminom ng tubig at hindi na akomakatulog. Binuksan ko ang computer at naginternet. Tweet tweet sa mga friends at tinignan saglit ang facebook. Binuksan ang Adobe pero walang maedit na pictures. Naiinis ako pag wala akong magawa. Hindi ako napapkali. Laht ng bagay bubuting-tingin ko para lang malibang ako. Pati tuloy mga Kurdon ng kuryente na buhol-buhol pinagtripan kong ayusin.

Nag-log in sa youtube, nanood ng mga lion na napapatay ng mga preys nila. Exciting. But only for a moment.

Nag-log in sa email. May isang mail. Binasa. Tapos na.

Nag login ulit sa youtube, hinanap ang video na inupload ko dati. Wala na. Di ko na makita. 

Pumunta sa twitter. Gusto komagtweet. Sa tatlong segundong pagtingin sa monitor, nagbago na isip ko. Ayokona. Log out.

Pumunta sa facebook, para palitan ang profile picture, wag na lang, cutepoa naman ang profile ko. ehehe

Akala kohindi lang akomapakali. Akala ko dala lang ito ng bigalng paggising. Hindi. Madali lang talaga ako magsawa. Matagal ko ng sakit to. Ang dali ko magsawa.

Tandang tanda ko pa nung bata pa ako. Hindi pa ako nagaaral nun. May gustong gusto akong laruan. Isang buldozer na trak. Ang tawag ko dun VOLCANO. Napakalaki niya. Hindi siya nasasakyan pero malaki siya kasi maliit pa lang ako nun. Nabubuksan ang pinto niya at may tunog pag pinindot mo yung button sa harap. Napakalaki niya. Kulay blue at glossy siya. Nung unang araw ko siyang nilaro tuwang tuwa ako. Every child's dream ika nga. Possessive ako sa mga bagay na akin lalo nung bata ako. Nung nakita kong nilalaro ng kuya ko si VOLCANO. Hindi ako nainis. Hindi rin akonagalit. Hinayaan ko lang na laruin siya ng kuya ko. Ang magandang alaala lang niya sa akin ang yung eagerness kong makuha yung laruan na yun nung wala pa siya sa akin. Yung gustong gusto ko siyang mahawakan. Yung mga panahong ini-imagine ko ang mga oras na pagsasamahan namin habang naliligo ako sa batya ng tubig. Yun lang ang magandang alaala niya. Hanggang grade two ako, buhay pa si VOLCANO. Pero hindi ko na siya nilalaro nun. Namulaty na kasi ako sa larong kalsada. Hanggang isang araw, hindi ko na lamang siya nakita.

Hanggang ngayon may manifestation ako ng madaling pagkasawa. Simula ng natapos ko ang college ko, I already had two jobs. Stunning achievement for a person na hindi gumraduate at walang diploma. Opo. Wala akong diploma dahil tinapos kolang ang college at hindi ako nagmartsa. Pero sa kabila nun nakakuha ako ng trabahong pinagpapatayan ng mga kabatchmates ko nun. Maganda ang trabaho. Ayon at ukol sa natapos ko. Pero hindi ako tumagal. Madali akong nagsawa. Umayaw ako sa oportunidad. Gaya ng kay VOLCANO. Eagerness got me in. After ma-achieve, nagsawa na ako.  Move on sa bagong gustong makuha.

Its sickening thatI can't settle. On the other hand I feel like its good because I get to become better by achieving something bigger than what i had already. Pero nakakinis. Beginnings are not my bestfriend. But I always love starting with a blank canvass.

So Im sick. This illness is bad. I know it is. Pero naniniwala kasi ako na Success is A Journeyand not a Dstination. Mas mahalaga pa rin ang paraan at panahong ginugol mo para makuha ang gusto mo.

FYI: Im with my latest job at hindi pa ako nagsasawa.


PNOIA


 


Tuesday, March 23, 2010

Unang Tala

Ang Init. Napakainit. Ito ang mga panahong ramdam mo ang tagaktak ng pawis sa singit at kili kili. Ang mga panahong pag dinapuan ka ng langaw ay didikit siya sayo ng para kang trap dahil sa sobrang lagkit mo. At ito ang mga panahong milyong beses mong maririnig ang bawat taong nagsasabing sobrang init. Its summer. 

Lumalafang na ako ng ice cream at isang basong juice na punong puno ng yelo. Ganun pa din ang init. Ilang beses na rin akong nagising sa init.  Wapakels sa global warming, ang gusto kong masolusyunan ay ang init na yumyakap sa katawan ko. Hindi to libog. Init lang talaga siya.

Mainit ang ulo ng tao pag mainit ang panahon. Kala ko pag wala lang pera kaya umiinit ang ulo nila. Pero kanina nung bumili ang pirated na installer ng isang application, sa akdang tumtatawad ako sa presyo ng cd, eh biglang nag notaryo si aleng nagtitinda "hindi pwede, gusto mo dun ka sa iba bumili" with matching getting the cd ang epek. Hindi umubra ang cuteness factor ko. Lumayas ako at tumingin sa iba. Mainit. Sobrang init.

Kahit mainit, nagpasya akong maglakad pauwi. May payong naman ako. Hawak ang isang shake na nagpapginhawa ng paglalakad. May nakasalubong akong mama, pawis na pawis, nangingintab na ang balat niya sa pawis na bumabalot sa katawan niya. Isa siyang kargador na nagbubuhat ng mga sofa papunta sa trak. May delivery. Half naked si manong at maganda ang katawan. Medyo moreno ang kulay na may tatoong malaking F sa braso. Naglalangis na ang katawan niya. Saktong nilabas ang isang sofa para ilagay sa trak. Dinakma ni manong ang sofa at inangat ng buong kisig papunta sa truck. Pag angat ng braso, dun ko nakita ang 2 black lines running across his armpit. May libag si manong sa kilikili. Hindi siya aware. Napakainit. Sobrang init.

Paguwi ko ng bahay, sumalubong ang aso kong si BOUER. Dinamba ako. Hinimod ko ang batok ng aso ko. May nakapa akong malaking garapata. Tinanggal ko. Usually ang ginagawa ko, sinusunog ko ng lighter ko. Pero dahil aware ako sa init napggtripan ko ang isang garapata. May kapirasong yero sa garahe na babad na babad sa init. Nung hinawakan ko, mainit. Nilatag ko sa garahe at dun ko hinayaang gumapang ang garapata. Pagkatpos ng 15 minutes hindi na gumalaw ang garapata. Patay na siya. Dahil sa heat wave na naramdaman niya. Kawawang garapata. Masyadong mainit. Sobrang init.

Iba talaga ang summer. Sobrang init. Kung tutuusin, hindi naman ganito kainit dati. Dumarami na nga talaga ang tao sa mundo. Sumisikip na ang bawat sulok ng globo. At dumaram na rin ang polusyon. Sana hindi pa magunaw ang mundo. Sana hindi pa magarmageddon. Siguro pag 70 na ako pwede na.

Mainit pa rin. Sobrang init pa rin.