Today at 3:55 in the morning, I diagnose myself with an illness. A Psychological illness.
Ang dali kong magsawa. Nagising ako ng ala una ng madaling araw para lang uminom ng tubig at hindi na akomakatulog. Binuksan ko ang computer at naginternet. Tweet tweet sa mga friends at tinignan saglit ang facebook. Binuksan ang Adobe pero walang maedit na pictures. Naiinis ako pag wala akong magawa. Hindi ako napapkali. Laht ng bagay bubuting-tingin ko para lang malibang ako. Pati tuloy mga Kurdon ng kuryente na buhol-buhol pinagtripan kong ayusin.
Nag-log in sa youtube, nanood ng mga lion na napapatay ng mga preys nila. Exciting. But only for a moment.
Nag-log in sa email. May isang mail. Binasa. Tapos na.
Nag login ulit sa youtube, hinanap ang video na inupload ko dati. Wala na. Di ko na makita.
Pumunta sa twitter. Gusto komagtweet. Sa tatlong segundong pagtingin sa monitor, nagbago na isip ko. Ayokona. Log out.
Pumunta sa facebook, para palitan ang profile picture, wag na lang, cutepoa naman ang profile ko. ehehe
Akala kohindi lang akomapakali. Akala ko dala lang ito ng bigalng paggising. Hindi. Madali lang talaga ako magsawa. Matagal ko ng sakit to. Ang dali ko magsawa.
Tandang tanda ko pa nung bata pa ako. Hindi pa ako nagaaral nun. May gustong gusto akong laruan. Isang buldozer na trak. Ang tawag ko dun VOLCANO. Napakalaki niya. Hindi siya nasasakyan pero malaki siya kasi maliit pa lang ako nun. Nabubuksan ang pinto niya at may tunog pag pinindot mo yung button sa harap. Napakalaki niya. Kulay blue at glossy siya. Nung unang araw ko siyang nilaro tuwang tuwa ako. Every child's dream ika nga. Possessive ako sa mga bagay na akin lalo nung bata ako. Nung nakita kong nilalaro ng kuya ko si VOLCANO. Hindi ako nainis. Hindi rin akonagalit. Hinayaan ko lang na laruin siya ng kuya ko. Ang magandang alaala lang niya sa akin ang yung eagerness kong makuha yung laruan na yun nung wala pa siya sa akin. Yung gustong gusto ko siyang mahawakan. Yung mga panahong ini-imagine ko ang mga oras na pagsasamahan namin habang naliligo ako sa batya ng tubig. Yun lang ang magandang alaala niya. Hanggang grade two ako, buhay pa si VOLCANO. Pero hindi ko na siya nilalaro nun. Namulaty na kasi ako sa larong kalsada. Hanggang isang araw, hindi ko na lamang siya nakita.
Hanggang ngayon may manifestation ako ng madaling pagkasawa. Simula ng natapos ko ang college ko, I already had two jobs. Stunning achievement for a person na hindi gumraduate at walang diploma. Opo. Wala akong diploma dahil tinapos kolang ang college at hindi ako nagmartsa. Pero sa kabila nun nakakuha ako ng trabahong pinagpapatayan ng mga kabatchmates ko nun. Maganda ang trabaho. Ayon at ukol sa natapos ko. Pero hindi ako tumagal. Madali akong nagsawa. Umayaw ako sa oportunidad. Gaya ng kay VOLCANO. Eagerness got me in. After ma-achieve, nagsawa na ako. Move on sa bagong gustong makuha.
Its sickening thatI can't settle. On the other hand I feel like its good because I get to become better by achieving something bigger than what i had already. Pero nakakinis. Beginnings are not my bestfriend. But I always love starting with a blank canvass.
So Im sick. This illness is bad. I know it is. Pero naniniwala kasi ako na Success is A Journeyand not a Dstination. Mas mahalaga pa rin ang paraan at panahong ginugol mo para makuha ang gusto mo.
FYI: Im with my latest job at hindi pa ako nagsasawa.
PNOIA

No comments:
Post a Comment