Ang Init. Napakainit. Ito ang mga panahong ramdam mo ang tagaktak ng pawis sa singit at kili kili. Ang mga panahong pag dinapuan ka ng langaw ay didikit siya sayo ng para kang trap dahil sa sobrang lagkit mo. At ito ang mga panahong milyong beses mong maririnig ang bawat taong nagsasabing sobrang init. Its summer.
Lumalafang na ako ng ice cream at isang basong juice na punong puno ng yelo. Ganun pa din ang init. Ilang beses na rin akong nagising sa init. Wapakels sa global warming, ang gusto kong masolusyunan ay ang init na yumyakap sa katawan ko. Hindi to libog. Init lang talaga siya.
Mainit ang ulo ng tao pag mainit ang panahon. Kala ko pag wala lang pera kaya umiinit ang ulo nila. Pero kanina nung bumili ang pirated na installer ng isang application, sa akdang tumtatawad ako sa presyo ng cd, eh biglang nag notaryo si aleng nagtitinda "hindi pwede, gusto mo dun ka sa iba bumili" with matching getting the cd ang epek. Hindi umubra ang cuteness factor ko. Lumayas ako at tumingin sa iba. Mainit. Sobrang init.
Kahit mainit, nagpasya akong maglakad pauwi. May payong naman ako. Hawak ang isang shake na nagpapginhawa ng paglalakad. May nakasalubong akong mama, pawis na pawis, nangingintab na ang balat niya sa pawis na bumabalot sa katawan niya. Isa siyang kargador na nagbubuhat ng mga sofa papunta sa trak. May delivery. Half naked si manong at maganda ang katawan. Medyo moreno ang kulay na may tatoong malaking F sa braso. Naglalangis na ang katawan niya. Saktong nilabas ang isang sofa para ilagay sa trak. Dinakma ni manong ang sofa at inangat ng buong kisig papunta sa truck. Pag angat ng braso, dun ko nakita ang 2 black lines running across his armpit. May libag si manong sa kilikili. Hindi siya aware. Napakainit. Sobrang init.
Paguwi ko ng bahay, sumalubong ang aso kong si BOUER. Dinamba ako. Hinimod ko ang batok ng aso ko. May nakapa akong malaking garapata. Tinanggal ko. Usually ang ginagawa ko, sinusunog ko ng lighter ko. Pero dahil aware ako sa init napggtripan ko ang isang garapata. May kapirasong yero sa garahe na babad na babad sa init. Nung hinawakan ko, mainit. Nilatag ko sa garahe at dun ko hinayaang gumapang ang garapata. Pagkatpos ng 15 minutes hindi na gumalaw ang garapata. Patay na siya. Dahil sa heat wave na naramdaman niya. Kawawang garapata. Masyadong mainit. Sobrang init.
Iba talaga ang summer. Sobrang init. Kung tutuusin, hindi naman ganito kainit dati. Dumarami na nga talaga ang tao sa mundo. Sumisikip na ang bawat sulok ng globo. At dumaram na rin ang polusyon. Sana hindi pa magunaw ang mundo. Sana hindi pa magarmageddon. Siguro pag 70 na ako pwede na.
Mainit pa rin. Sobrang init pa rin.

No comments:
Post a Comment