Nababagalan ako sa usad ng buhay ko. Pakiramdam ko naghihintay ako ng biyaheng express papaunta sa gusto kong puntahan. Ang tagal lumarga. Nababagot ako. Kahit hindi pa ako sigurado sa gusto kong puntahan eh gusto ko ng umandar pasulong. Ang bagal. Napakabagal. Alam kong dapat maghintay ng tamang panahon, at lam ko ring when its time, its time. But now, im stuck. Hindi alam ang gagawin, hindi alam kung dapat bang gumawa ng plano. wala na akong alam. Hindi na ako makapagisip. Hindi na ako makaconcentrate. Panahon nang hindi makalaban ang isip ko sa nararamdaman ko.
Alam ko ang puno't dulo ng sitwasyong ito. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi ako makasulong-sulong. Isang bagay lang-- Ang muling matagpuan ang nawalang sarili. Alam ko kung san hahanapin, alam ko rin kung san ito kukunin. Pero ayokong puntahan ang lugar na iyon. Dahil pag bumalik ako doon, may bagay akong mabibitbit na hindi ko gustong dalhin at gusto ng kalimutan. Ayoko. I have to move forward. Kung gusto kong ibalik ang dating ako, dapat ko na siyang hanapin at buuin sa baging ako. Dahil ito ang kasalukuyan at ito na ang totoo. Ang kahapon ay piraso lang kinabukasan. Ang problema, ang hirap buuin ng isang bagay na nabuo sa isang tipak ng kahapon.
Hindi ko pa rin alam kung paano at saan magsisimula. Ilang buwan na rin akong nakahinto sa parehong lugar. Walang pagbabago. When it comne it comes. Hanggang sa pagdating biyaheng magdadala sa akin sa kung san man ako dapat pumunta.
PNOIA

No comments:
Post a Comment